^

PSN Palaro

Sales Talk Lang

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Sales talk ang kailangan para bumenta ng husto ang laban ni Manny Pacquiao kay Jessie Vargas sa Nov. 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.

Kung walang sales talk, patay ang negosyo.

Kaya kung isa ako sa may mga kinalaman sa laban o kung ako ay miyembro ng Team Pacquiao, sisimulan ko nang sabihin na delikado si Pacquiao sa darating na laban.

Sisimulan ko nang purihin si Vargas bilang isang magaling na champion at delikadong kalaban.

Mas mabuti na yun kesa naman sabihin ko na ma­hinang klaseng boxer si Vargas at wala pa ito sa level na gaya ni Pacquiao.

Kung Triple A raw si Pacquiao ay Class A lang si Vargas.

Eh bakit yan ang pinili ninyo?

Parang basketball game lang yan na gusto mo bilhin ng tao ang tickets pero sinasabi mo na mahina ang kalaban at tatambakan n’yo lang ang mga ito.

Bakit pa ako manonood kung tatambakan n’yo lang pala?

Sinimulan na ni coach Freddie Roach kahapon nang sabihin niyang hindi magiging madali ang laban para kay Pacquiao.

Sa totoo lang, wala nang easy fight para kay Pacquiao.

Kahit llamado pa siya sa pustahan, hindi siya nakakasiguro sa kahit kanino man.

Bata si Vargas at sampung taon ang tanda ni Pacquiao, na sa Dec. 17 ay isa ng 38-year-old na boxer. Mahirap labanan ang isang batang kampeon.

Isa lang ang layunin ni Vargas. Talunin si Pacquiao.

Bakit hindi?

Kapag mangyari nga naman ito, biglang taas ang presyo ni Vargas. Kaya kung ako ay isang salesman, ito ang ilalatag ko sa mesa.

May talo si Pacquiao.

Suntok man sa buwan o hindi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with