^

PSN Palaro

Jamfy lusot sa San Jose sa OT

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumandal ang Jamfy Pioneers- Secret Spices sa kabayanihan ni da­ting Jose Rizal University mainstay Kenny Santos upang pabagsakin ang New San Jose Builders, 97-96, sa overtime sa 2016 MBL Open (Second Confe­rence) basketball tournament sa Rizal Coliseum.

Humugot si Santos, isa sa kambal na JRU players na naglalaro ngayon sa Jamfy,  ng isang makapigil-hiningang drive laban sa matikas na depensa ng kalaban sa huling 23 segundo para sa game-winner.

May tsansa pa ang San Jose Builders na agawin ang panalo subalit nag-mintis si Lucky Palogan sa kanyang mahirap na tira sa huling opensiba ng kanyang team sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Una rito, ang dating Ateneo player na si John Apacible ay gumawa back-to-back baskets sa loob ng shaded area upang bigyan ang Jamfy ng 95-91 kala­mangan sa huling isang minuto ng extra period.

Subalit kaagad bumawi ang San Jose sa drive si Jayson Grimaldo at umiskor si Palogan ng tres upang muling agawin ang trangko, 96-95, may 30 segundo ang nalalabi.          

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with