Frayna, Torre dadalo sa grand finals ng Shell chessfest
MANILA, Philippines – Si WGM Janelle Mae Frayna ang panauhing pandangal sa national finals ng Shell Active Chess tournament na gaganapin sa SM Megamall.
Magbibigay ng inspirational message si Frayna, ang kauna-unang babaeng Grandmaster ng bansa sa naturang torneo na gaganapin sa Oct. 1 at 2.
Nakamit ng 20-anyos na si Frayna ang Grandmaster title sa nakaraang 42nd World Chess Olympiad na ginanap sa Baku, Azerbaijan. Siya mismo ay produkto ng Shell Active Chess noong 2005 habang nag-aaral pa sa FEU.
“We’re indeed grateful to be graced by the presence of our first woman Grandmaster Janelle Mae Frayna at the start of our grand finals this Saturday. She’ll be giving inspirational message to the players as she had also been part of the tournament in the past,” sabi ni Melanie Bularan, Social Investment and Social Performance Manager ng Pilipinas Shell sa idinaos na PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
Bukod kay Frayna dadalo rin ang unang Grandmaster ng bansa na si Eugene Torre.
Ang torneo ay may tatlong division sa nine-round Swiss system, kabilang na ang kiddies (8-12 years old), juniors (13-16 years old) at seniors (17 to 20 years old). Ang mananalo ay tatanggap ng P20,000 plus trophy. Ang top female finisher naman bawat kategorya ay tatanggap din ng P10,000.
- Latest