^

PSN Palaro

5th Asian Beach Games: Isa pang ginto ambag ni Ramirez sa Pinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasungkit ni jiu-jitsu standout Annie Ramirez ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas matapos pagreynahan ang women’s -55 kg. division sa 5th Asian Beach Games na ginaganap sa Danang City, Vietnam.

Pinataob ni Ramirez si Siramol Deepudsa ng Thailand sa bisa ng 10-0 demolisyon sa championship round upang sundan ang yapak ng katropang si Margarita Ochoa (wo­men’s -45 kg.) na siyang umani ng unang ginto ng Pilipinas.

Umusad sa finals si Ramirez nang ilampaso nito sina Lea Farhat ng Libya sa semifinals at Angelina Filippova ng Turkmenistan.

Ito ang ikalawang ginto ng University of Santo Tomas judoka na si Ramirez sa Asian Beach Games matapos kubrahin ang unang ginto noong 2014 edisyon na ginanap sa Phuket, Thailand.

“We’re so proud of her. Nakita namin na yung puso niya sa bawat laban niya. Hindi siya bumitiw dahil alam niya na bandila ng Pilipinas ang dala niya,” pahayag ni Philippine delegation Chef de Mission Karen Tanchanco-Caballero.

Nadagdagan din ng apat na tansong medalya ang Pilipi­nas kabilang ang isa mula kay dating Asian champion Marestella Torres-Sunang sa women’s long jump kung saan nagsumite ito ng 6.10 metro habang nangibabaw sina Vietnam bets Bui Thi Thu Thao (6.32m) at Nguyen Thi Truc Mai (6.11m) na siyang umani ng ginto at pilak, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang bronze medalists ay sina Jenina Kaila Napolis (women’s -55 kg.) sa jiu-jitsu; Lloyd Dennis Catipon (men’s -73 kg.) sa kurash; at ang women’s trio nina Josefina Maat, Gelyn Evora at Deseree Autor sa sepak takraw.

Sa kabuuan, may dalawang ginto, isang pilak at 10 tanso na ang Pilipinas para sa ikasiyam na puwesto sa medal tally.

Nangunguna ang host Vietnam na may 16-15-21 kasunod ang Thailand (16-9-13) at China (5-8-9).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with