^

PSN Palaro

Archers lalapit sa sweep vs Red Warriors

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalapit ang De La Salle University sa first-round sweep sa pakikipagtipan nito sa University of the East ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magpapang-abot ang magkabilang dulo ng stan­dings sa alas-4 ng hapon.

Hawak ng Green Archers ang malinis na 5-0 rekord para sa solong pamumuno habang may 0-5 marka naman ang Red Warriors sa ilalim.

Walang makapigil sa La Salle na galing sa 91-75 demolisyon laban sa Adamson University sa kanilang huling laro.

Hindi rin umubra ang nagdedepensang Far Eas­tern University (83-78) at dating kampeong National University (75-66).

Malaking dahilan ng kanilang tinatamasang ta­gumpay ang halimaw na si Cameroonian Ben Mbala na may averages na 19.60 puntos at 16.80 rebounds kada laro.

Sapat na suporta rin ang nakukuha ni Mbala sa mga katropa nito kabilang na ang graduating na si Jeron Teng na may average na 18.20 puntos sa limang laro.

Pumuputok din ang iba pang manlalaro gaya nina Kib Montalbo,  Aljun Melecio, Thomas Torres, Abu Tratter at Justine Baltazar.

Sa kabila ng magandang inilalaro ng kanyang bataan, naniniwala si La Salle mentor Aldin Ayo na may ilalabas pang bangis ang Taft-based squad.

“May mga kailangan pa kaming i-improve. Maganda ang defense namin but our offense has always been out setback. But every game, we’re improving,” ani Ayo.

Alam din ni Ayo ang kapasidad ng UE kaya wa­lang puwang ang pagiging kampante sa mga panahong ito.

“Hindi kami pwedeng maging kumpiyansa dahil alam namin ang kakayahan ng UE.We’re not going to take them lightly,” dagdag ni  Ayo.

Patuloy na inaalat ang Red Warriors ngunit maganda ang inilalaro nito kabilang na ang kanilang dikit na 87-88 pagkabigo sa University of Santo Tomas at 71-75 pagyuko sa UP.

Hahataw para sa UE sina Edison Batiller, Paul Varilla, Clark Derige at Alvin Pasaol.

Maghaharap naman sa unang laro sa alas-2 ang Ateneo (3-2) at UP (1-4).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with