^

PSN Palaro

Foton mapapalaban agad sa Petron sa opening ng PSL Grand Prix Conference

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapapalaban agad ang reigning Grand Prix champion Foton sa pagsisimula ng 2016 Philippine Superliga Grand Prix Conference sa Oktubre 8.

Makakaharap ng Tornadoes ang Petron Tri-Activ Spikers sa alas-3 ng hapon habang makikipagtuos naman ang All-Filipino Confe­rence titlist F2 Logistics sa Generika sa unang laro sa alas-12:30 ng tanghali.

Mataas ang moral ng Tornadoes na galing sa impresibong kampanya sa Asian Women’s Club Championship na ginanap sa Biñan, Laguna kung saan tumapos ito sa ikapitong puwesto.

Solido rin ang lineup ng Foton na babanderahan ng American imports na sina Ariel Usher at Lindsay Stalzer na siyang itinanghal na MVP noong nakaraang taon.

Nadagdagan pa ang lakas ng Tornadoes dahil nakuha nito ang serbisyo ni Dindin Santiago-Ma­nabat na dinala ang Petron sa ilang kampeonato sa naka­lipas na edisyon bago magpasyang magpahinga dahil sa pagbubuntis.

Isang reunion din ito para kay Dindin dahil makakasama nitong muli ang kanilang nakaba­batang kapatid na si Jaja Santiago na itinuturing na pinakamalakas na Pilipinang volleyball player sa kasalukuyan.

Hahataw din para sa Foton sina Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz, EJ Laure, Cherry Ann Rondina at Bia General.

Sa kabilang banda, mgalalatag ang Petron ng bagong mukha sa pangu­nguna nina middle blocker Serena Warner at open spiker Stephanie Niemer na beterano ng mga kumpetisyon sa France, Puerto Rico at Azerbaijan.

Tatayo ring bagong head coach si Shaq Delos Santos na siyang pumalit kay George Pascua.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with