^

PSN Palaro

5th Asian Beach Games: Ochoa ibinigay sa Pinas ang unang ginto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahablot ni jiu-jitsu ar­tist Margarita Ochoa ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 5th Asian Beach Games na ginaganap sa Danang, Vietnam.

Inilampaso ng reig­ning World Jiu-jitsu Cham­pionship gold medalist na si Ochoa si Suwanan Boonsorn ng Thailand sa bendisyon ng 99-4 desis­yon upang masungkit ang korona sa women’s -45 kg.

Nauna nang tinalo ni Ochoa sina Dinara Juma­durdyyeva ng Turkmenis­tan sa semifinals (99-0) at Do Thu Ha ng Vietnam sa quarterfinals (2-1) para maisaayos ang pakikipagtuos kay Boonsorn sa gold medal match.

Nagkasya naman sa pilak na medalya si Gian Taylor Dee sa men’s -62 kg. class matapos matalo kay Amir Yahya Abdulamir Albazy ng Iraq, 2-4  sa cham­pionship round.

Bago makapasok sa finals, pinatalsik muna ni Dee sina Sarawut Petsing ng Thailand sa semifinals, Al Hazza Jarrah ng Kuwait sa quarterfinals at Bursulton Bozorov ng Tajikistan sa Round of 16.

Kasalukuyang nasa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa medal stan­dings hawak ang isang ginto, isang pilak at anim na tansong medalya.

Ang tanso ay galing kina Phillip Delarmino (men’s bantamweight 51-54 kg.) Jonathan Polosan (men’s lightweight 60-63 kg.) at Jay Harold Gregorio (men’s middleweight 71-75 kg.) sa muay thai; Jenielou Mosqueda (women’s -75 kg.) at Helen Dawa (wo­men’s -52 kg.) sa kurash; at Apryl Jessica Eppinger (women’s -62 kg.) sa jiu-jitsu.

Nagkasya naman sa ikalimang puwesto si Julian Reem Fuentes sa men’s long jump competition na ginaganap sa Son Thuy Beach kung saan nagtala ito ng 7.21 metro distansiya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with