^

PSN Palaro

NU, UP biyaheng semis sa UAAP badminton

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naibulsa ng nagdedepensang National University at University of the Philippines ang unang dalawang tiket sa Final Four sa men’s division matapos patumbahin ang kani-kanilang karibal kahapon sa UAAP badminton tournament sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Iginupo ng Bulldogs ang University of the East, 5-0, habang namayani naman ang Fighting Maroons laban sa Far Eastern University, 4-1.

Magkasalo ang NU at UP sa unahan ng stan­dings hawak ang parehong malinis na 5-0 baraha.

Magkukrus ang landas ng Bulldogs at Fighting Maroons sa Miyerkules upang paglabanan ang solong liderato.

Ang magwawagi sa pa­gitan ng NU at UP ay mangangailangan na lamang ng isang panalo upang awtomatikong umusad sa best-of-three championship series.

Wagi naman ang Ate­neo laban sa De La Salle University, 3-2 para mapaganda nito ang rekord sa 3-2 sa ikatlong puwesto.

Namayani naman ang UST kontra sa Adamson, 5-0,  para saluhan ang Ta­maraws at Green Archers sa ikaapat na puwesto taglay ang  2-3 marka.

Laglag ang Red Warriors sa 1-4 habang wala pa ring panalo ang Falcons sa limang laro.

Sa women’s division, nanaig ang reigning titlist UP laban sa Adamson, 5-0, para sa ikaapat na sunod na panalo sa liderato.

Panalo rin ang Ateneo laban sa NU, 4-1 at De La Salle kontra UST, 3-2.

Magkasama sa ikalawa ang Lady Eagles at Lady Archers hawak ang magkatulad na 3-1.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with