^

PSN Palaro

Perlas Pilipinas giniba ang Malaysia, kampeon sa SEABA

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpleto ng Perlas Pilipinas ang pagwalis sa kanilang mga laro para tuluyan nang angkinin ang gintong medalya ng SEABA Women’s Championship sa Malacca, Malaysia.

Ito ay matapos takasan ng mga Pinay cagers ang Malaysia, 77-73, sa Bukit Serindit Indoor Stadium para kunin ang kanilang pang-limang sunod na pa­nalo noong Sabado ng gabi.

“I’m happy for the girls. I’m happy for our supporter, Blackwater and I’m happy for the country. We did it,” sabi ni head coach Patrick Aquino sa Perlas Pilipinas na nauna nang dinurog ang Singapore, 69-43, Laos, 179-32, Vietnam, 134-56, at Indonesia, 72-56.

Ganap na naduplika ng koponan ni Aquino ang pagrereyna ng tropa nina Cassie Tioseco, Melissa Jacobs at Nita Grajales at coach Heidi Ong noong 2010 sa Ninoy Aquino Stadium.

Binanderahan ni Allana Lim ang Nationals sa kanyang 16 points, habang nagtala sina Afril Bernardino at Ambi Almazan ng double-double.

Kumolekta si Bernar­dino ng 14 points at 10 boards at humakot naman si Almazan ng 10 points at 12 rebounds.

Ipinoste ng mga Pinay ang malaking 20-point lead, 71-51, sa kaagahan ng fourth quarter hanggang magpakawala ang mga Malaysians ng 11-0 atake para makalapit sa 73-77 agwat makaraang maimin­tis ni Raiza Dy ang isang easy basket.

Nagkaroon naman ng turnover ang Malaysia na tuluyan nang nagbigay sa Perlas Pilipinas ng gold medal sa nasabing week-long tournament.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with