San Miguel vs Ginebra, giyera ng magkapatid sa semis simula na
MANILA, Philippines – Tinapos ng Tropang Texters ang elimination round bilang No. 1 team at kaagad sinibak ang No. 8 Phoenix Fuel Masters sa kanilang quarterfinals match noong Sabado.
Ngunit ayon kay Barangay Ginebra head coach Tim Cone, hindi ang TNT Katropa ang tunay na ‘team-to-beat’ sa kasalukuyang 2016 PBA Governor’s Cup kundi ang nagdedepensang San Miguel.
“My apologies to Talk N Text. They may have ended up as the No. 1 seed (but) I will said that right out front,” sabi ni Cone. “But for me, still the team to beat is San Miguel.”
Nakatakdang labanan ng Gin Kings ang Beermen sa Game One ng kanilang best-of-five semifinals series ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Pinatumba ng No. 2 San Miguel ang No. 7 NLEX, 114-110, samantalang sinibak ng No. 3 Ginebra ang No. 6 Alaska, 109-104, sa kani-kanilang mga quarterfinals matches para maitakda ang semifinals showdown nila.
Ang naging basehan ni Cone sa pagsasabing ang Beermen ang pinakamalakas na koponan sa season-ending conference ay ang magandang inilalaro nina back-to-back PBA MVPJune Mar Fajardo, Arwind Santos, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter at ang pagbabalik ni import Elijah Millsap, nakababatang kapatid ni NBA star Paul Millsa.
“They got June Mar and they’ve got great weapons around them,” ani Cone.
Ang matibay na depensa naman ang sinabi ni mentor Leo Austria na kakailanganin ng San Miguel para muling makapasok sa PBA Finals at matagumpay na maipagtanggol ang Governor’s Cup crown.
“When we get a double-digit lead, the tendency is to relax,” pahayag ni Austria sa itinayong 63-48 bentahe ng Beermen sa first half laban sa Road Warriors. “I told them before the game we scored 102 points per game but we give up 100 points. We will not win if we don’t improve on defense.”
- Latest