^

PSN Palaro

Saints tinambakan ang Hunters sa NAASCU

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakabalik sa porma ang Saint Clare College-Caloocan matapos ibuhos sa New Era University  ang ngitngit nito sa bisa ng 93-58 agresibong panalo kahapon sa 16th NAASCU men’s basketball tournament sa Makati Coliseum.

Matapos lumasap ng tatlong sunud-sunod na kabiguan, muling nasilayan ng araw ang Saints sa pangunguna nina Steve Fongue at Rojay Santos na siyang naglatag ng magandang laro para makuha ang ikawalong panalo sa 11 pagsalang.

Humakot si Fongue ng 16 puntos at 13 rebounds samantalang naglista si Santos ng 15 puntos na lahat ay nakuha mula sa three-point area para pamunuan ang Caloocan City-based Saints na hawak nina NAASCU chairman Dr. Ernesto Jay Adalem at coach Jinino Manansala.

Gumawa rin ng ingay sina Michael De Leon at June Hallare na may pinagsamang 22 puntos.

Nanguna naman para sa Hunters sina John Akindele at Mark Cabacungan nang lumikom ang mga ito ng 23 puntos.

Naitakas naman ng Our Lady of Fatima University ang gitgitang 80-78 panalo laban sa Enderun College para pagsaluhan ang No. 2 spot sa parehong 9-3 baraha.

Ariba sina Jerome Juanico, Emil Japzon, Mi­guel Cabrera at Joseph Marquez ng 58 kabuuang puntos para sa Phoenix.

May tig-15 sina Juanico at Japzon habang tig-14 naman sina Cabrera at Marquez para sa Raloh Emerson Ricera-mentored Phoenix.

Humataw si Nigerian center Collins Wabo ng 19 puntos at 15 rebounds gayundin si Fil-Am Josh Grilli na may 17 puntos tampok ang siyam na tres para sa Titans na nagkasya sa 3-9 marka.

St. Clare 93-- Fongue 16, Santos 15, De Leon 12, Hallare 10, Dionisio 6, Rebugio 6, Palencia 5, Rios 5, Esguerra 4, Perez 4, Calapine 2, Delos Reyes 2, Fuentes 2, Managuelod 2, Puspus 2.

New Era 58--Akindele 11, Cabacungan 10, Velchez 7, Ramos 7, Bringas 6, Reyes 5, Asistio 3, Kyrin 3, Castillo 2, Magkalas 2, Perez 2. Quarterscores 14-17, 46-25, 74-42, 93-58.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with