^

PSN Palaro

UAAP badminton: NU, UP lumapit sa Final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Parehong umiskor ng impresibong panalo ang reigning champion National University at University of the Philippines upang ma­kalapit sa inaasam na puwesto sa Final Four ng UAAP Season 79 men’s bad­minton kahapon sa Rizal Memorial Badminton Hall sa Malate, Manila.

Muling inilabas ng Bull­dogs ang bangis nito nang ilampaso ang Ateneo de Manila University sa pamamagitan ng 5-0 pagblangko.

Higit pang lumawig ang winning-streak ng NU sa ika-22.

Umariba rin ang Figh­ting Maroons nang tuhugin nito ang Adamson University, 5-0.

Kapwa sumulong sa imakuladang 4-0 ang NU at UP para pagsosyohan ang liderato.

Nalaglag ang Blue E­agles sa 2-2 marka habang ang Soaring Falcons ay lumasap ng ikaapat na sunod na kabiguan.

Namayani rin ang Far Eastern University laban sa University of the East, 4-1 para makuha ang ikalawang panalo sa apat na laro habang nanaig ang De La Salle University laban sa University of Santo Tomas, 4-1  tungo sa parehong 2-2 baraha.

Ang Red Warriors at Growling Tigers ay parehong gumulong sa 1-3 kartada.

Target ng Bulldogs at Fighting Maroons na masungkit ang unang dalawang silya sa semifinals sa pakikipagtuos sa Red Warriors at Tamaraws, ayon sa pagkakasunod ngayong araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with