^

PSN Palaro

Nietes kumpiyansang mananalo kay Sosa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kanyang pagtuntong sa weighing scale ay walang nakitang anumang epekto kay dating two-division world champion Donnie ‘Ahas’ Nietes ang kanyang pag-akyat sa flyweight division.

Nakuha ni Nietes ang weight limit na 112 pounds, samantalang tumimbang si dating Mexican world champion Edgar Sosa sa 111.5 pounds para sa kanilang upakan ngayon sa StabHub Center sa Carson, California.

Paglalabanan ng 34-anyos na si Nietes at ng 37-an­yos na si Sosa ang WBO Inter-Continental flyweight belt kung saan ang mananalo ang maaaring lumaban para sa WBO flyweight crown na binitawan ni unified title-holder Juan Francisco Estrada ng Mexico.

Isa si Estrada sa mga world flyweight champions na tinarget ng tubong Murcia, Negros Occidental na si Nietes bukod kay  ‘pound-for-pound’ king Roman Gonzalez ng Nicaragua.

Ngunit umakyat sina Estrada at Gonzalez sa super flyweight category kaya nawala ang tsansa ni Nietes na makakuha ng malaking laban matapos magkampeon sa WBO minimumweight at light flyweight classes.

Ang mananalo sa bakbakan nina Nietes (38-1-4, 22 KOs) at Sosa (52-9-0, 30 KOs) ang maaaring lumaban para sa WBO flyweight crown na binakante ni Estrada.

Tumatayong No. 1 ranked si Nietes sa listahan ng WBO sa flyweight division, habang nakatakda namang maglaban sina Zou Shiming (WBO No. 2) ng China at Kwanpichit Onesongchai (WBO No. 3) ng Thailand sa isang rematch sa Nobyembre.

Ang mananaig sa sagupaan nina Shiming at Onesongchai ang makakaharap ng mananalo sa pagitan nina Nietes at Sosa para sa bakanteng WBO flyweight title.

Sa main undercard ay makakaharap ni unbeaten Mark ‘Magnifico’ Magsayo (14-0-0, 11 KOs) si late substitute Ramiro Robles (13-5-1, 8 KOs) ng Mexico.

Idedepensa ni Magsayo ang kanyang hawak na WBO international featherweight title kontra kay Robles, pumalit sa nagkaroon ng injury na si Ruben Garcia.

Samantala, muling magtutuos sina ‘King’ Arthur Villanueva (29-1-0, 15 KOs) at Juan ‘Pineta’ Jimenez (22-10-0) para sa WBO Asia Pacific bantamweight title.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with