^

PSN Palaro

Perlas asam ang panalo sa Malaysia

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Bukit Serindit Indoor Stadium)

4 p.m.  Thailand vs Laos

6 p.m.  Singapore

 vs Vietnam

8 p.m.  Malaysia

vs Philippines

MANILA, Philippines - Ganap nang makakamit ng Perlas Pilipinas ang gold medal ng 2016 SEABA Women’s Championship kung mawawalis ang dalawang laro laban sa Indonesia at Malaysia.

Kasalukuyang kaharap ng Nationals ang Indonesia kagabi habang isinusulat ito at nakatakdang sagupain ang Malaysia ngayong alas-8 ng gabi sa Bukit Serindit Indoor Stadium sa Malacca, Malaysia.

Ang huling Philippine team na nagreyna sa SEABA ay ang tropa nina Cassie Tioseco, Melissa Jacobs at Nita Grajales na hinawakan ni coach Heidi Ong noong 2010 sa Ninoy Aquino Stadium.

Bagama’t inaasahang magiging mahigpitan ang bakbakan ng Perlas Pilipinas at ng Indonesia ay malaki naman ang tsansa ng mga Pinay na talunin ang Malaysia.

Ngunit hindi nagkukum-piyansa si head coach Patrick Aquino.

Tinalo ng Perlas Pilipinas ang Malaysia sa 2015 Southeast Asian Games sa Singapore, habang na­kabawi ang mga Malaysians sa 2015 FIBA Asia Women’s Championship.

Kinuha ng Nationals ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa SEABA matapos gibain ang Vietnam, 134-56, noong Huwebes ng gabi nang pabagsakin ang Singapore, 69-43 at ang Laos, 179-32. (RCadayona)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with