^

PSN Palaro

Bedans lalapit sa semis

Pilipino Star Ngayon

Perpetual sososyo sa No. 2 vs Arellano

MANILA, Philippines – Lalapit sa inaasam na Final Four ang San Beda College sa pakikipagtipan nito sa Mapua Institute of Technology habang magtutuos din ang Arellano University at University of Perpetual Help System Dalta sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Kasalukuyang hawak ng Red Lions ang solong pamumuno taglay ang 11-2 marka matapos sakmalin ang nagdedepensang Letran noong Biyernes sa iskor na 83-71.

At umaasa ang San Beda na malulusutan nito ang Mapua sa kanilang bakbakan sa alas-4 ng hapon upang makalapit sa semis slot.

“That’s our goal, to make the Final Four first before we think of anything,”  ani San Beda coach Jamike Jarin.

Ramdam na ramdam ang pagkawala ni Donald Tankoua na nagtamo ng ACL injury kung saan may 1-1 rekord ang Red Lions na wala ang Cameroonian.

Hindi rin makalalaro si Antonio Bonsubre na napatawan ng isang-larong suspensiyon bunsod ng kaguluhang naganap sa kanilang laro kontra Letran.

Ngunit malakas na puwersa ang nakukuha ng San Beda kay Benedict Adamos, na 6-foot-6 rookie transferee mula sa Technological Institute of the Philippines, na nagtala ng 16 puntos, siyam na rebounds at anim na blocks.

Inaasahang ibubuhos ng Mapua ang buong lakas nito para mapaganda pa ang 7-5 baraha.

Sasandalan ng Cardinals si last season’s rookie MVP Allwell Oraeme.

Maghaharap naman sa alas-2 ang Arellano (10-2) at Perpetual Help (9-3) na parehong naghahabol din sa Top 2 spots upang mabiyayaan ng twice-to-beat advantage.

Galing ang Chiefs sa 83-74 panalo sa Emilio Aguinaldo Generals habang ang Altas ay buhat sa pananaig sa St. Benilde Blazers, 70-45. (Chris Co)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with