^

PSN Palaro

Pacquiao-Vargas magkakaharap na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon ay magkakaharap sina Sen. Manny Pacquiao at world welterweight king Jessie Vargas sa isang press conference sa Set­yembre 8 (US time) sa Be­verly Hills, California para sa formal announcement ng kanilang upakan sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Ang naturang press luncheon na pamamahalaan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ay gagawin sa Crystal Ballroom ng The Beverly Hills Hotel sa Beverly Hills.

Ito ang magiging comeback fight ng Filipino world eight-division champion na si Pacquiao matapos mag­retiro noong Abril 9 kung saan niya tinalo si Timothy Bradlery Jr. sa kanilang ikatlong paghaharap.

Kasalukuyan nang nagsasanay si Pacquiao sa kabila ng pagiging abala sa kanyang trabaho sa Senado.

Pipilitin ng 37-anyos na si Pacquiao (58-6-2, 38 KOs) na agawin sa 27-an­yos na si Vargas (27-1-0, 10 KOs) ang suot nitong World Boxing Organization welterweight crown.

Ang nag-iisang kabiguan ni Vargas ay mula sa mga kamao ni Bradley sa kanilang paghaharap noong Hunyo ng nakaraang taon.

Ang mga tiket ay nagkakahalaga ng $1,000, $700, $500, $300, $100 at $50.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with