^

PSN Palaro

Tiket sa semis nakataya sa banggaang SSC, UP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mag-uunahan ang University of the Philippines at San Sebastian College-Recoletos na makuha ang ikatlong silya sa semifinals sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 13-Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang paghaharap ng Lady Maroons at Lady Stags sa alas-4 ng hapon habang target din ng Ateneo na masiguro ang tiket sa semis sa pakikipagtipan sa Far Eastern University sa alas-6 ng gabi.

Magkakasalo sa ikatlong puwesto ang Lady Stags, Lady Maroons at Lady Eagles hawak ang pare-parehong 2-2 marka.

Ang magwawagi sa pa­gitan ng UP at San Sebastian ang uusad sa Final Four kasama ang nagdedepensang National University (4-1) at FEU (3-1).

Awtomatikong masisikwat ng Lady Eagles ang ikaapat na puwesto sa semis kung magwawagi ito sa Lady Tamaraws.

Ngunit kung matalo ang Ateneo sa FEU, makakasagupa nito ang matatalo sa UP-San Sebastian game sa isang playoff para sa No. 4 slot.

Bigo ang Lady Maroons na makuha ang kanilang puwesto sa semis matapos yumuko sa Lady Bulldogs noong Lunes sa iskor na 25-23, 19-25, 24-26, 19-25.

Sa Spikers’ Turf Season Two-Collegiate Conference, magbabakbakan din ang FEU (3-1) at La Salle (3-1) para sa semis slot sa alas-10 ng umaga.

Nauna nang umabante sa susunod na yugto ang Ateneo (5-0) at NU (4-1).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with