^

PSN Palaro

Tierro nasikwat ang ika-2 PCA Open Crown

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matagumpay na naibalik ni Patrick John Tierro ang kampeonato sa kanyang palad matapos pigilan si eight-time champion Johnny Arcilla, 6-2, 7-6 (5), sa finals ng Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier men’s singles sa PCA indoor shell court sa Paco, Manila.

Ito ang ikalawang titulo ni Tierro matapos pagha­rian ang 2014 edisyon ng torneo.

“Sumugal lang ako sa bawat shots ko. It’s either make or break. Hindi kasi pwedeng magpadala sa pressure, hindi pwedeng push lang nang push, kailangan na maging aggressive. And I’m happy na nag-work ang game plan ko,” wika ni Tierro.

Maagang nag-init si Tierro nang ilatag nito ang 3-0 bentahe sa first set. Gamit ang matatalim na baseline attacks, naga­wang makadikit ng bahag­ya ni Arcilla tungo sa 2-4.

Subalit mabilis na sumagot si Tierro nang kubrahin nito ang dalawang sumunod na games para makuha ang 1-0 bentahe.

May tsansa sana si Arcilla na maipuwersa ang deciding third set nang hawakan nito ang 5-3 abante sa second set.

Hindi nawalan ng pag-asa si Tierro nang kunin nito ang tatlong sunud-sunod na games para maagaw ang kalamangan, 6-5.

Pero hindi bumitiw si Arcilla para maipuwersa ang tiebreak, 6-6.

Ngunit iyon na lamang ang nakayanan ni Arcilla matapos magtala ng kaliwa’t kanang unforced errors sa tiebreak upang tuluyang ipaubaya ang titulo kay Tierro.

Napasakamay ni Tiero ang tumataginting na P50,000 premyo habang nagkasya sa P25,000 konsolasyon si Arcilla sa torneong suportado ng The Philippine Star, Dunlop, Whirlpool-Fujidenzo, Chris Sports, Mary Grace, Aseana City, PVL Restaurant, Maverick, Compass, Babolat, Just Jewels, Rexona, Palm Rock, Coca Cola Femsa Philippines, Pearl Garden Hotel, Pearl Lane Hotel, Sen. Manny Pacquiao, L&M, Broadway Motors, Stronghold Insu­rance at Monte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with