^

PSN Palaro

16th NAASCU: 2-dikit sa St. Clare, Fatima

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang ratsada ng St. Clare College-Caloocan at Our Lady of Fatima University nang itarak ang kanilang ikalawang sunod na panalo para kapitan ang maagang liderato sa 16th NAASCU men’s basketball tournament sa Makati Coliseum.

Ginulpi ng St. Clare ang Philippine Merchant Marine School, 85-62, samantalang namayani ang Fatima sa Rizal Technological University, 99-84, para parehong umangat sa 2-0 baraha sa torneong nilahukan ng 14 koponan.

Nagtulung-tulong sina Irven Palencia, Aristotle Dionisio, Jordan Rios, Michael de Leon at Rafael Rebugio para dalhin sa panalo ang Saints na hawak ni NAASCU chairman Dr. Ernesto Jay Adalem at coach Jinio Manansala.

Nanguna si Palencia na nagtala ng 16 puntos habang nagtala ng double-double na 15 puntos at 12 rebounds si Dionisio para sa Saints.

Nauna nang ginulantang ng St. Clare ang AMA University, 82-67, noong Agosto 25.

Lumasap ang Mariners ng ikalawang kabiguan sa kabila ng pagsisikap nina Reggie Debulcos at  Domark Marillano na may pinagsamang 29 puntos.

Sumandal naman ang Fatima kina Jess Pedrosa (18), Martin Gozum (16), Miguel Cabrera (14) at Joseph Marquez (13) na pare-parehong may double digits.

Nahulog ang  Thunder sa 1-1.

Nakaresbak naman ang New Era University nang patumbahin nito ang City University of Pasay, 76-69, upang umangat sa 1-1.

Wagi rin ang De Ocampo Memorial College kontra sa Colegio de San Lorenzo, 91-77, sa pangunguna ni Dahrell Carungunan na may 29 puntos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with