^

PSN Palaro

Lady Bulldogs sa Final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Sweep sa Ateneo sa Spikers’ Turf

MANILA, Philippines - Nakabangon ang National University sa masamang panimula bago itakas ang 23-25, 25-19, 26-24, 25-19 panalo laban sa University of the Philippines kahapon sa Shakey’s V-League Season 13-Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Mabangis ang laro ni Jaja Santiago na pumalo ng 18 attacks, dalawang blocks at isang ace para bitbitin ang Lady Bulldogs sa 4-1 rekord na magandang senyales bago sumalang sa crossover semifinals.

Unti-unti na ring naibabalik ni dating UAAP Rookie of the Year Aiko Sweet Urdas ang tikas nito nang magpasabog  ng 16 attacks, dalawang aces at dalawang blocks habang nagdagdag si Filipino-Ja­panese Risa Sato ng 13 puntos gayundin si Jorelle Singh ng 11.

“Marami kaming errors sa first set lalo na sa service. Yun ang dahilan kung bakit kami natalo sa first set. We’re lucky dahil nakabalik kami sa remaining sets para makuha namin ito,” ani NU assistant coach Edjet Mabbayad.

Nagbigay ang Lady Bulldogs ng 36 unforced errors kumpara sa 20 lamang ng Lady Maroons.

Subalit nakabawi ang Lady Bulldogs sa attack line matapos ibaon ang 60 spikes laban sa 46 lamang ng Lady Maroons.

Dominado rin ng Lady Bulldogs ang service area tangan ang 10 aces at blocking department hawak ang siyam na blocks - malayo sa tatlong ace at dalawang blocks lamang ng Lady Maroons.

Naasahan ng UP si Diana Carlos na may 12 puntos at Katherine Bersola na umukit ng 11 subalit nalimitahan sa pito si Isa Molde at anim si Nicole Tiamzon.

Umasim ang kartada ng UP sa 2-2 kasalo ang San Sebastian College na may parehong marka.

Maghaharap ang Lady Maroons at Lady Stags bukas kung saan ang magwawagi  ay uusad sa semis.

Sa Spikers’ Turf, nakumpleto ng UAAP cham­pion Ateneo ang matamis na sweep matapos dagitin ang UP, 25-21, 25-18, 25-12, sa kanilang huling asignatura sa Group B.

Nagningning sa pagkakataong ito si Paul Koyfman na humataw ng 10 puntos habang solidong suporta ang ibinigay nina UAAP MVP Marck Espejo at Joshua Villanueva na may tig-walong puntos para sa Blue Eagles na tinapos ang eliminasyon hawak ang malinis na 5-0 baraha.

Bagsak sa ikatlo ang  UP  na may 3-2 baraha.

Nalimitahan ng Ateneo ang UP sa 19 attacks kung saan walang manlalaro ng Maroons ang nakakuha ng double figures.

Magaan naman na tinapos ng College of Saint Benilde ang kampanya nito nang panain ang Philippine Merchant Marine School, 25-17, 32-30, 29-27, para kunin ang unang panalo.

Naglista si Jonvic De Guzman ng 17 puntos habang nagtala ng 14 si Issah Arda sa hanay ng Blazers na isinara ang eliminasyon bitbit ang 1-4 baraha.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with