^

PSN Palaro

Bulldogs nakauna sa Final 4 sa Spikers’ Turf

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinaon ng National Uni­versity ang 25-21, 25-22, 25-22 panalo laban sa Perpetual Help para maibulsa ang unang silya sa semifinals sa Group A ng Spikers’ Turf Season 2 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kinailangan lamang ng Bulldogs ng 74 minuto upang masiguro ang tiket sa Final Four ng torneong inorganisa ng Sports Vision.

Pumalo si Madzlan Gampong ng 12 hits kasama ang tatlong blocks habang nagtulong sina Bryan Bagunas at Fauzi Ismail sa pagkolekta ng pinagsamang 21 puntos para sa Bulldogs.

Masama ang reception ng Altas na sinamantala ng Bulldogs para maglista ng apat na aces.

Nakagawa rin si Kim Dayandante ng 28 excellent sets.

Tinapos ng NU ang group stage tangan ang apat na panalo sa limang laro habang nahulog sa 3-2 baraha ang Perpetual Help para tuluyang maglaho ang pag-asang makapasok sa semis.

Paglalabanan naman ng Far Eastern University at La Salle  ang huling silya sa semis sa Group A sa Miyerkules.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with