^

PSN Palaro

Phoenix determinasyon ang susi sa kampeonato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Unti-unting gumagawa ng dinastiya ang Phoenix sa PBA D-League ngunit ang tagumpay na tinatamasa nito ay bunga ng pagsisikap at matinding determinasyon.

Matamis na inangkin ng Accelerators ang ikalawang sunod na kampeonato matapos pagharian ang Foundation Cup kamakalawa sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Naiselyo ng Phoenix ang 2-1 panalo laban sa Tanduay sa kanilang best-of-three championship series.

Nairehistro ng Phoenix  ang  Game 1 sa pamamagitan ng 84-76 panalo subalit bahagyang naantala ang selebrasyon nang makuha ng Rhum Masters ang  Game 2 sa iskor na 89-75.

Ngunit matinding determinasyon ang inilabas ng Accelerators sa Game 3 nang languin nito ang Rhum Masters, 87-78, para makuha ang panalo.

“Nandun ‘yung kagustuhan naming manalo. Tala­gang ipinakita namin na gusto namin ito makuha, yung teamwork nandun, yung determination. Kaya maganda ang naging resulta,” wika ni Conference Most Valuable Player Mike Tolomia.

Tunay na nakita ang pagkakaisa ng Accelerators dahil hindi lamang iisang tao ang kumakayod para makuha ang panalo.

Bukod kay Tolomia, naasahan din ng husto ng Accelerators sina Mac Belo, Ed Daquioag at Roger Pogoy gayundin sina Russel Escoto at Reymar Jose.

Nauna nang nagkampeon ang Phoenix noong Abril sa Aspirants’ Cup.

Ngunit inaasahang mas matinding lakas ang ibubuga nito sa mga susunod na kumperensiya kaya’t walang duda na isa ang Accelerators sa mga dapat tutukan sa oras na muling magbukas ang liga. (CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with