^

PSN Palaro

Lady Tams, Stags lalapit sa final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makalapit sa inaasam na tiket sa Final Four ang parehong puntirya ng Far Eastern University at San Sebastian College sa pagpapatuloy ngayong araw ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa The Arena sa San Juan.

Magpapang-abot ang Lady Tamaraws at Lady Stags sa alas-4 ng hapon habang maghaharap naman ang Ateneo at University of  the Philippines sa alas-6 ng gabi.

Magkasosyo ang FEU at San Sebastian sa ikalawang puwesto hawak ang 2-1 baraha habang nasa solong liderato ang nagdedepensang National University na may 3-1 marka.

Galing ang Lady Tamaraws sa five-set loss sa Lady Bulldogs upang lasapin ang kanilang unang kabiguan sa torneo.

Kaya inaasahang gigil na makaresbak ang FEU sa pangunguna ni Toni Rose Basas na siyang pa­ngunahing pinagkukunan ng puntos ng kanilang tropa sa mga nakalipas na laro.

Hahataw din sina Bernadeth Pons at Remy Palma katuwang si setter Kyle Negrito.

Hindi pa malinaw kung makapaglalaro si Jerilli Malabanan na na-sprain ang paa sa kanilang laro kontra NU.

Ang San Sebastian na­man ay pamumunuan ni two-time NCAA MVP Grethcel Soltones na siyang top scorer sa liga.

Mataas ang moral ng Lady Stags na buhat sa panalo laban sa University of Santo Tomas noong Miyer­kules.

Kinakailangan ni Solto­nes ng suporta mula kina Joyce Sta. Rita, Katherine Villegas, Mariel Dalisay, Denice Lim at setter Vira Guillema.

Samantala, mag-uunahan ang National U at Perpetual Help na pumuwesto sa Final Four sa Group A sa kanilang pagkikita sa Spikers’ Turf Season 2 Collegiate Conference.

Nakatakda ang paghaharap ng Altas at Bulldogs, na kapwa nagtataglay ng 3-1 baraha, sa alas-12 ng tanghali, matapos ang sagupaan ng San Beda at NCBA sa alas-10 ng umaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with