^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas umangat sa FIBA rankings

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagama’t naisuko ng Gilas Pilipinas ang dalawang importanteng laro sa nakaraang 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ay umangat pa rin ang ranggo ng bansa sa world men’s basketball rankings.

Sa pinakabagong inilabas na listahan ng FIBA ay tumaas ng isang posisyon ang Pilipinas bilang No. 27.

Inungusan ng Pilipinas sa FIBA ranking ang Jordan (28), Germany (29), Korea (30) at Senegal (31).

Pinahirapan ng Gilas Pilipinas ni head coach Tab Baldwin ang France sa una nilang laro sa FIBA OQT sa pangunguna ni naturalized player Andray Blatche bago natalo sa huli.

Matapos ito ay yumukod naman ang Nationals sa mas malalaki at malalapad na New Zealand.

Nasa itaas ng Pilipinas sa FIBA list ang Uruguay (26), Asian powerhouse Iran (25) at Canada (24).

Patuloy naman sa pagdomina ang United States bilang No. 1 kasunod ang Spain (2), Serbia (3), France (4) at Lithuania (5).

Inilabas ang pinakabagong FIBA rankings matapos ang 2016 Summer Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil na pinagharian ng Team USA laban sa Serbia.

Dahil sa bagong ipatutupad ng FIBA na home-and-away calendar para sa 2019 World Cup sa China ay binuo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang Gilas 5.0 ni coach Josh Reyes.

Ang koponan na binabanderahan ng mga collegiate stars ay kakampanya sa 2016 FIBA Challenge Cup sa susunod na buwan sa Tehran, Iran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with