^

PSN Palaro

Foton Pilipinas kinapos sa Bangkok Glass- Thailand

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbigay ng magandang laban ang Foton Pilipinas ngunit higit na lumutang ang malalim na karanasan ng Bangkok Glass-Thailand upang lasapin ang 20-25, 22-25, 25-20, 18-25 kabiguan sa 2016 Thailand Women’s Volleyball Championship na ginaganap sa Wi Sommai Gymnasium sa Sisaket Province, Thailand.

Maganda ang inilaro ng Tornadoes sa pagsi­sikap nina imports Ariel Usher, Lindsay Stalzer, Aby Maraño at Maika Ortiz na siyang umariba sa attack line katuwang si setter Rhea Dimaculangan.

Gamit ang bilis at ka­ra­­nasan, agad na nakaka­sagot ang Bangkok Glass sa bawat puntos ng Foton Pilipinas upang pigilan ang pagtatangka ng Pinay spi­kers na maipu­wersa ang fifth set.

Nahulog sa 0-2 baraha ang Tornadoes sa Pool A.

Unang tinamo ng Foton Pilipinas ang 13-25, 10-25, 18-25 pagyuko kontra sa powerhouse Sisaket-Thailand noong Miyerkules.

Makakaharap ng Foton ang Rungsit University sa kanilang huling laro sa group stage ngayong araw sa alas-12:30 ng tanghali (oras sa Maynila).

Aminado si Italian head coach Fabio Menta na matinding kalaban ang mga Thais na malayo na ang narating sa mundo ng volleyball.

Umaasa si Menta na magagamit ng Tornadoes ang karanasang nakukuha nito sa Thailand meet upang higit na mapalakas ang kanilang koponan na naghahanda para sa 2016 Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Women’s Club Championship na idaros  sa Setyembre 3 - 11 sa Biñan, Laguna. (CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with