^

PSN Palaro

Phoenix, Tanduay magkakaalaman ngayon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Parehong ilalabas ng Phoenix at Tanduay ang naitatagong lakas nito upang masungkit ang kampeonato sa pag­larga ng rubber match ng 2016 PBA D-League Foundation Cup best-of-three championship series ngayong hapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Maghaharap sa huling pagkakataon sa kumperensiyang ito ang Accelerators at Rhum Masters sa alas-5 ng hapon.

Namayani ang Phoenix sa Game 1 (84-76) su­balit naitabla ng Tanduay ang serye sa 1-1 matapos itagay ang 89-75 panalo sa Game 2.

Dahil sa panalo, nabu­ha­yan ng loob ang Tanduay Masters kaya’t ayaw na nitong pakawalan pa ang tsansang masikwat ang unang  titulo sa liga.

Aminado si Tanduay mentor Lawrence Chongson na mahirap kalaban ang Accelerators. Subalit  tiwala ito sa kakayahan ng kanyang tropa na mauulit nito ang kanilang impresibong panalo sa Game 2.

“Phoenix is a dange­rous animal. I would want nothing else but to win. It’s just our instinct to survive. We’re holding on to nothing but ourselves,” ani Chongson.

Nanguna para sa Rhum Masters si dating National University standout Gelo Alolino na nagpasabog ng 26 puntos ngunit inaasa­hang raratsada rin sa pagkakataong ito sina Reden Celda at Kevin Ferrer na ilan sa mga maaasahan ng tropa.

Babandera para sa Accelerators sina Mac Belo kasama sina Ed Daquioag at Roger Pogoy.

Magsisilbing moti­basyon naman ni Mike Tolomia ang kanyang Conference MVP trophy upang makatulong sa tangkang masikwat ng Phoenix ang ikalawang sunod na korona.

Nagkampeon ang Phoenix sa Asipirants’ Cup noong Abril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with