^

PSN Palaro

Eagles vs Tigers sa opening ng UAAP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat na koponan kabilang ang season host University of Santo Tomas ang agad na kakaliskisan sa opening day ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Setyembre 4 sa  Araneta Coliseum.

Makakasagupa ng Growling Tigers ang Ateneo de Manila University sa alas-4 habang lalarga naman ang salpukan ng University of the Philippines at Adamson University sa alas-2.

Magpapatuloy ang aksiyon sa Setyembre 7 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan sisimulan ng Far Eastern University ang pagdepensa sa kampeonato sa pakikipagtuos sa De La Salle University sa alas-4.

Uumpisahan naman ng National University ang kampanya nito kontra University of the East sa alas-2.

Nakatakda ang inaabangang Ateneo-La Salle game sa Oktubre 2 sa Mall of Asia Arena sa alas-4.

Lalarga rin sa parehong playing date ang UE-A­dam­son match sa alas-12 ng tanghali.

Subalit magkahiwalay na ibebenta ang tiket sa UE-Adamson at Ateneo-La Salle.

Salitang lalaruin sa Mall of Asia Arena at Araneta Coliseum ang seniors basketball tuwing Miyerkules, Sabado at Linggo.

Bago ang men’s basketball, idaraos ang simpleng opening ceremonies sa Setyembre 3 sa UST quadrangle na magtatampok ng iba’t ibang presentasyon at palabas na inihanda ng season host.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with