^

PSN Palaro

Pacquiao sinimulan na ang pagpapakondisyon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaambon kahapon ng umaga, ngunit hindi ito dahilan para kanselahin ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang light training.

Kasabay ang ilan niyang tauhan, tatlong beses nag-jogging si Pacquiao sa isang executive village sa kanyang bahay sa Makati City.

Ito ay bilang pagsisimula ng kanyang pagpapakondis­yon para sa comeback fight niya laban kay world welterweight king Jessie Vargas sa Nobyembre 5.

Nagretiro si Pacquiao noong Abril 9 matapos biguin si Timothy Bradley Jr, sa kanilang pangatlong pagkikita.

Kamakailan ay inihayag ng 37-anyos na si Pacquiao (58-6-2, 38 KOs) na lalabanan niya ang 27-anyos na si Vargas (27-1-0, 10 KOs) para sa muli niyang pagtapak sa ibabaw ng boxing ring.

Ang nag-iisang kabiguan ni Vargas ay mula sa mga kamao ni Bradley na tumalo sa kanya noong Hunyo ng nakaraang taon.

Pipilitin ni Pacquiao na muling maisuot sa kanyang baywang ang hawak na World Boxing Organization welterweight belt ni Vargas.

Para hindi maapektuhan ang kanyang tungkulin bilang Senador ay magsasanay si Pacquiao sa isang gym malapit sa Senado.

Anim hanggang walong linggo inaabot ang ginagawang pagsasanay ni Pacquiao katulong si Hall of Fame trainer Freddie Roach, darating sa bansa sa susunod na buwan.

Noong Linggo ay nakita sa PBA si Pacquiao kung saan siya nagsalpak ng isang three-point shot bago matapos ang first half patungo sa 97-88 panalo ng Mahindra laban sa Blackwater.

Tumapos ang 5-foot-6 na si Pacquiao na may PBA career-high na 4 points.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with