^

PSN Palaro

Stags rumesbak sa Lions ramdam ang pagkawala ni Tankoua

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginulantang ng San Sebastian College ang Donald Tankoua-less San Beda College, 72-71, upang manatiling buhay ang pag-asa nitong makahirit ng tiket sa Final Four ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Minanduhan ni Allyn Bulanadi ang matikas na kamada ng Stags sa fourth quarter nang magtala ito ng siyam na puntos kabilang ang isang jumper sa hu­ling sandali ng laro upang dalhin ang kanilang tropa sa ikatlong panalo sa 12 laro.

Tumapos si Bulanadi tangan ang 16 kabuuang puntos.

“Alam kong nanonood lang siya. Para sa kanya itong panalong ito dahil siya ang dahilan kung ano ako ngayon,” wika ni Bulanadi patungkol sa kanyang ina na namayapa bago magsimula ang liga.

Ang panalo ang nagsilbing matamis na pagresbak ng Stags sa kanilang tinamong 67-66 kabiguan sa Red Lions sa unang ikutan noong Agosto 5.

Nalasap ng San Beda ang ikalawang kabiguan para sa 10-2 rekord na ramdam ang pagkawala ni Tankoua na nagtamo ng ACL (anterior cruciate ligament) injury.

Tanging 15 puntos ang nakuha ni Javee Mocon at 12 buhat naman kay team captain Dan Sara para sa San Beda. Nag-ambag ng siyam na puntos si Robert Bolick.

Sa ikalawang laro, nakakuha ng lakas ang Mapua Institute of Technology mula kay reigning MVP Allwell Oraeme para tuhugin ang Lyceum of the Philippines sa bendisyon ng 90-75 panalo.

Nagtala si Oraeme ng 27 puntos, 25 rebounds at apat na blocks para hatakin ang Cardinals sa 7-4 marka at manatili sa solong ikaapat na puwesto.

Lumubog sa 5-6 baraha ang Pirates.

Sa huling laro, sumandig ang Jose Rizal sa mga ba­likat ni Teytey Teodoro nang itakas nito ang Heavy Bombers sa 75-68 tagum­pay laban sa reigning titlist Letran at masolo ang ika-5 puwesto taglay ang 6-5 baraha.

SSC-R 72 - Bulanadi 16, Capobres 13, Calisaan 11, Ilagan 9, Fabian 6, Valdez 6, Mercado 5, Costelo 2, David 2, Serajosef 2, Baetiong 0.

SBC 71 - Mocon 15, Sara 12, Adamos 11, Bolick 9, Tongco 9, Potts 7, Soberano 6, Noah 2, Alas 0,  Bahio 0.

Quarterscores: 13-17, 37-27, 47-58, 72-71.

MAPUA 90 - Oraeme 27, Isit 19, Victoria 15, Estrella 12, Eriobu 8, Serrano 4, Biteng 3, Raflores 2, Aguirre 0.

LPU 75 - Baltazar 17, Alanes 11, Ayaay 10, Soliman 10, Marata 9, Nzeusseu 7, Caduyac 5, Gabayni 4, Magbuhos 2, Alban 0, Malabanan 0

Quarterscores: 21-26, 45-42, 62-60, 90-75.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with