^

PSN Palaro

NLEX humiling ng ‘privacy’ para sa pamilya ni Cardona

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng NLEX ang publiko na bigyan ng ‘privacy’ si Mac-Mac Cardona at ang kanyang pamilya matapos ang sinasabing tangkang pagpapakamatay ng Road Warriors’ guard noong Linggo.

“We urge the public to allow Macmac and his family to have privacy at this difficult time,” wika ng NLEX sa kanilang official statement.

Isinugod si Cardona sa Perpetual Help Hospital sa Las Piñas noong Linggo dahil sa overdosed sa pills sa tangka niyang pagpapakamatay.

Inireklamo ng kanyang partner na si Bianca Jackes si Cardona ng domestic violence.

“Macmac is part of the NLEX Road Warriors team. We are providing whatever assistance he needs this time,” dagdag pa ng koponan.

Samantala, pumirma ang 43-anyos na si Asi Taulava, ang pinakamatandang aktibong PBA player, sa isang two-year contract-extension deal sa Road Warriors.

Tatanggap ang Fil-Tongan center ng P10.08 milyon bilang basic pay o ang PBA maximum monthly salary na P420,000 hanggang sa katapusan ng 2017-18 season.

 “It’s not a reward. He deserves what he’s got,” sabi ni NLEX team manager Ronald Dulatre.

Hiniling si Taulava ang nasabing two-year period at pumayag naman ang NLEX management na ibigay ito dahil sa ipinakitang displina at dedikasyon ng dating national player sa kanilang mga ensayo at aktuwal na laro.

Sa kabila ng kanyang edad ay nagtala pa rin si Taulava ng mga averages na 14.4 points at 10.9 rebounds a game sa 2016 PBA season – ang kanyang pang-17 season sapul nang umakyat sa PBA noong 1999 via Mobiline.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with