^

PSN Palaro

Pinoy lifters kondisyon na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handang-handa na sina Nestor Colonia at Hidilyn Diaz na sumalang sa 2016 Olympic Games na nakatakdang umarangkada sa Agosto 5 sa Rio de Janeiro, Brazil.

Walang puwang ang salitang pahinga kina Colonia at Diaz na sumailalim sa dalawang oras na training sa Pavilion 2 ng Riocenter Convention Center kasama ang iba pang world champions na naghahanda rin para sa Rio Games.

Bumuhat si Colonia ng 120 kilos sa snatch at 150 kilos sa clean and jerk bahagyang malayo sa kanyang personal best na 124 kg at 158 kg para sa 282 kg total.

Kinakailangan ni Colonia na umabot sa 290 kg upang makahirit ng medalya.

“Konti na lang. Maganda ang training today,” wika ng 25-anyos na si Colonia na nagnanais magkaroon ng magandang resulta ang kanyang unang pagsalang sa Olympics.

Optimistiko si Colonia na maabot nito ang kanyang target sa oras na sumalang ito sa aktuwal na kumpetisyon.

Nagbalik na rin ang lakas ni Diaz matapos ubuhin sa mga nakalipas na araw.

“I’m happy with today’s training,” sambit ni Diaz na beterano na sa Olympics matapos masilayan sa 2008 edisyon sa Beijing, China at noong 2012 sa London, England.

Sa ilalim ng pagmamasid ni head coach Alfonsito Aldanete, bumuhat si Diaz ng 85 kg sa snatch.

Sa katunayan, kasabay nito sa training ang kanyang karibal mula sa South Korea.

“Nagtitinginan kami. Alam ko nasa 85 (kg) din siya kanina, “ dagdag ni Diaz.

Sa world rankings, parehong nasa ikaapat sina Colonia (men’s 56 kgs.) at Diaz (women’s 53 kgs.).

“Masaya si Hidi (Diaz) kanina sa training. Parang nagbantayan sila nung karibal niya,” kuwento ni Colonia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with