^

PSN Palaro

Painters ipininta ang ika-2 dikit

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Lucena City)

5:30 p.m.  Ginebra

vs Meralco

 

MANILA, Philippines - Halos hindi na kinaila­ngan ng Rain or Shine si import Dior Lowhorn sa fourth quarter.

Umiskor sina bigmen JR Quiñahan at Beau Belga ng pinagsamang 11 points sa final canto, habang isinalpak ni Jericho Cruz ang mahalagang jump shot para igiya ang Elasto Painters sa 98-92 panalo laban sa Blackwater Elite sa 2016 PBA Governor’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Rain or Shine sa tatlong laro at ipinagkait sa Blackwater ang target nitong pangalawang dikit na ratsada.

Itinala ng Elasto Pain­ters ang 11-point lead, 48-37, sa second period bago iwanan ang Elite, ipinarada si Asian import Iwad Qah­wash, sa 67-52 sa third quarter mula sa basket ni Raymond Almazan.

Sa likod naman nina import Eric Dawson, Reil Cervantes at Carlo Lastimosa ay nakadikit ang Blackwater sa 90-93 agwat sa huling 54 segundo.

Ang tatlong free throws ni Quiñahan mula sa foul ni Dawson sa kanya sa 3-point line kasunod ang jumper ni Cruz matapos ang mintis ni Cervantes ang muling naglayo sa Rain or Shine sa 98-90 para selyuhan ang kanilang panalo.

Samantala, pinauwi ng Phoenix si import Marcus Simmons para iparada ang baguhang si Eugene Phelps, isang undrafted player noong 2012 NBA Draft at naglaro sa Dominican Republic, Puerto Rico at Mexico.

Gagawin ni Phelps ang kanyang PBA debut para sa Fuel Masters laban sa Globalport Batang Pier bukas.

Mag-uunahan naman ang Barangay Ginebra at Meralco sa pagtatala ng kanilang ikatlong panalo sa bakbakan nila ngayong alas-5:30 ng hapon sa Lucena City.

Rain or Shine 98 - Chan 20, Lowhorn 20, Lee 14, Quiñahan 11, Cruz 9, Ponferada 6, Ahanmisi 5, Almazan 5, Belga 4, Norwood 4, Matias 0, Nimes 0.

Blackwater 92 - Lastimosa 20, Erram 16, Cervantes 15, Dawson 14, Cortez 10, Sumang 8, Pascual 5, Gamalinda 4, Canada 0, Dela Cruz 0, Qahwash 0, Sena 0.

Quarterscores: 29-21; 52-43; 73-68; 98-92.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with