^

PSN Palaro

Pinoy Pugs handa na sa laban dumating na sa Rio

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

RIO DE JANEIRO-- Sa pagdating dito nina light flyweight Rogen Ladon at lightweight Charly Suarez noong Huwebes ng hapon ay tatlong atleta na lamang ang hinihintay para makumpleto ang Philippine delegation sa Rio Olympics.

Kasama nina Ladon at Suarez si coach Nolito “Boy” Velasco na duma­ting mula sa Las Vegas via Houston walong araw bago ang opening ceremony sa Aug. 5.

Nagsanay sina Suarez at Ladon sa Las Vegas at Washington bilang paghahanda sa Rio Olympics.

Sa pagdating nina Ladon at Suarez ay tatlo na lamang miyembro ng Phi­lippine team ang hinihintay.

Si hurdler Eric Cray ay manggagaling sa Houston, habang si marathoner Mary Joy Tabal ay nagsanay sa Japan at si golfer Miguel Tabuena ay naglalaro sa Thailand para sa King’s Cup.

Ang pitong Pinoy athletes na naunang dumating sa Rio ay sina swimmers Jasmine Alkhaldi at Jessie King Lacuna, weightlfters Hidilyn Diaz at Nestor Colonia, taekwondo jin Kirstie Elaine Alora, long jumper Marestella Torres-Sunang at table tennis entry Ian Lariba, ang flag bearer.

Nagpahayag sina Ladon at Suarez ng kahandaang lumaban sa quadrennial event.

“First time,” sabi ng 22-anyos na si Ladon ng Bago City sa Negros Occidental, ang pinagmulan ng magkapatid na sina Mansueto “Onyok”  Velasco, ang silver medalist noong 1996 Atlanta Olympics at Roel Velasco, ang bronze winner noong 1992 sa Barcelona.

Ang silver medal ni Mansueto sa light-flyweight class ang pinakahuling medalyang naiuwi ng mga Pinoy athletes mula sa Olympics.

Sasabak ang 12 atleta sa pitong sports events at naghahangad na ma­wakasan ang 20 taon na pagkauhaw sa medalya sa Summer Games.

“Go for gold tayo,” sambit ni Ladon sa hiniram niyang slogan ng Association of Boxing Alliances in the Philippines na pinamunuan ni Ricky Vargas.

Ayon kay Ladon, matagal na niyang pangarap na makalaro sa Olympics at sundan ang mga yapak ng Velasco brothers.

Ito rin ang gagawin ng 27-anyos na si Suarez ng Sawata, Davao del Norte.

“Step by step,” sabi ni Suarez, kung makakapasok sa semifinals ay makakatiyak ng bronze medal sa kanyang dibisyon.

Si Suarez ay isang two-time gold medalist sa Southeast Asian Games (2009 sa Laos at 2011 sa Jakarta) at silver medalist sa 2014 Incheon Asian Games.

Sa ilalim ng Philippine Incentives Act, ang gold medal sa Olympics ay nagkakahalaga ng P10 milyon bilang cash incentives, ang silver medal ay P5 milyon at ang bronze ay P2 milyon.

Ayon kay Ladon, uma­gaw ng eksena sa nakaraang Asian Championships at World Championships, na magsisilbi itong motibasyon para sa kanila ni Suarez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with