^

PSN Palaro

Bakers kinumpleto ang semis cast

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nailista ng Cafe France ang 86-70 panalo laban sa AMA Online Education upang manatiling nasa Top 2 ng karera sa Final Four sa 2016 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Pinangunahan ni JK Casino ang 17-2 run ng Bakers nang maghagis ito ng back-to-back triples upang kunin ang 76-66 kalamangan na siyang na­ging mitsa upang tuluyang wakasan ang kampanya ng Titans.

Naitala ni Casino ang 14 sa kanyang 20 points sa fourth quarter kasama pa ang limang rebounds at limang assists para manduhan ang Bakers sa kanilang ikawalong panalo sa 10 pagsalang.

“Alam naman natin na shooter talaga si JK. Sa team naman namin, everybody can shoot and today was JK’s day. Thankful lang kami na na-save niya kami lahat,” pahayag ni coach Egay Macaraya.

Nagparamdam din ng lakas si Congolese big man Rod Ebondo na humataw ng double-double na 25 markers, 14 boards at dalawang blocks habang kumana rin si Carl Bryan Cruz ng 21 points at walong rebounds sa panig ng Cafe France.

Dahil sa panalo ng Ba­kers, kumpleto na ang Final Four cast kung saan makakasama ng Cafe France ang Racal, Phoenix at Tanduay na siya namang mag-uunahang masikwat ang top two spots na mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage sa semifinals.

Nahulog ang Titans sa 3-6 baraha upang tulu­yang maubos ang pag-asa nitong makahirit ng tiket sa Final Four. (Chris Co)

CAFE FRANCE 86 - E­bondo 25, Cruz 21, Casino 20, Zamar 7, Manlangit 5, Abundo 4, Jeruta 2, Parala 2, Anunciacion 0, Arim 0, Custodio 0, Opiso 0.

AMA 70 - McCarthy 28, Martinez 15, Ortega 8, Jordan 6, Arambulo 4, Jo. Montemayor 4, Asuncion 3, Taganas 2, Belleza 0, Bragais 0, Macaranas 0, Je. Montemayor 0.

Quarters: 25-20, 45-44, 54-55, 86-70.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with