Pacquiao sabik nang bumalik sa boxing
MANILA, Philippines - Halos tatlong buwan pa lamang siyang retirado ngunit kating-kati na si dating eight-division world champ at ngayon ay Sendor na si Manny Pacquiao na muling lumaban sa ibabaw ng boxing ring.
Sinabi ni Pacquiao na hindi mawawala sa kanyang katawan ang boksing matapos magretiro noong Abril 9.
“Aaminin ko, boxing is my passion, diyan talaga ako lumaki, hilig ko talaga yan nami-miss ko ang boxing, sabi ng 37-anyos na si Pacquiao matapos ang panalo ng kanyang Mahindra laban sa San Miguel Beer sa 2016 PBA Governors’ Cup noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
“Pangalawa, karangalan ko na nagbibigay ako ng karangalan sa ating bansa ,” dagdag pa nito.
Kamakailan ay inihayag ni Top Rank boss Bob Arum ang Nov. 5 comeback fight para sa Pinoy superstar.
Iisa kina WBO welterweight champ Jessie Vargas at WBO light welter king Terence Crawford ang ikinukunsidera ni Arum para makalaban ni Pacquiao.
“Hindi ko pa nakakausap si Bob Arum saka I just want to make sure bakasyon ng session matapat iyun,” sabi ni Pacquiao.
Ibinigay kay Pacquiao sa Senado ang chairmanship ng committee on public works at sports.
Sakaling matutuloy ang kanyang laban ay gagawin ni Pacquiao ang training niya sa isang gym malapit sa Senate building sa pagitan ng mga sesyon sa Senado.
- Latest