^

PSN Palaro

TNT Katropa masusukat sa Abueva-less Alaska

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang mararamdaman ng Alaska ang hindi paglalaro ni small forward Calvin Abueva, habang muling maghihintay ang TNT Katropa ng magandang laro mula kay Fil-Am guard Kris Rosales.

“I don’t know that there’s any game that Calvin plays where you don’t feel his presence. You’re gonna feel his presence for sure,” sabi ni coach Alex Compton kay Abueva, pinatawan ng one-game suspension at multang P22,000 dahil sa pagsiko sa mukha ni Chris Ellis sa kanilang 109-100 panalo sa Barangay Ginebra noong nakaraang Biyernes.

Maluwag namang tinanggap ni Abueva ang kanyang kaparusahan.

“Bumawi na lang tayo sa next game, ganoon na lang,”  sabi ng dating kamador ng San Sebastain Stags sa NCAA.

Hindi makukuha ang serbisyo ng 6-foot-2 na dating miyembro ng Gilas Pilipinas, lalabanan ng Aces ang Tropang Texters ngayong alas-7 ng gabi matapos ang laro ng Rain or Shine Elasto Painters at Blackwater Elite sa alas-4:15 ng hapon sa 2016 PBA Governor’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tinalo naman ng TNT Katropa ang Meralco, 98-95, noong Hulyo 23.

Tinakasan ng TNT Katropa ang Meralco na wala ang mga may injury na sina Matt Ganuelas-Rosser, Troy Rosario at Kelly Williams.

Sa unang laro, mag-uunahan naman sa pagtatala ng kanilang ikalawang sunod na panalo ang Elasto Painters at Elite.

Pinabagsak ng Rain or Shine ang Phoenix, 106-89, noong Hulyo 23, habang ginulat ng Blackwater ang Star, 100-98, noong Hulyo 22.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with