^

PSN Palaro

Seguridad pinahigpit na para matiyak ang kaligtasan ng Rio athletes

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

RIO DE JANEIRO--Mahigit sa 10,000 atleta at 6,000 opisyales mula sa 206 bansa ang magsasama-sama sa siyudad ng samba at ng pamosong Ipanema Beach para sa Rio Games na nakatakda sa Aug. 5 to 21.

At unti-unti nang humihigpit ang seguridad para sa mga gagamiting venues at maging sa paligid ng mga delegado, kasama ang maliit na grupo ng Philippine team na asam matapos ang 20 taon na pagkauhaw sa medalya.

“It’s always a threat. Security is always a concern during events of this magnitude. There is the threat of terrorism and it’s around us here,” sabi ni Philippine Olympic Committee vice president at chef-de-mission Jose Romasanta.

Kalahating milyong tu­rista ang inaasahang darating para manood ng Olympic Games.

Hindi nawawala ang kinatatakutang Zika virus, isang mosquito-borne di­sease na ang pangunahing nagiging biktima ay ang mga buntis, ang political instability at ang isyu sa seguridad.

Nasa mataas na antas ang seguridad sa Rio de Janeiro.

Makikita sa loob ng Athletes Village ang Special Forces ng Brazil na may bitbit na malalakas at mahahabang armas.

“The Athletes Village here is like a castle,” sabi ni Col. Antonio Tamayo, ang POC second vice president at may hawak ng seguridad ng Philippine delegation.

Hindi magiging sapat ang 85,000 miyembro ng Brazilian police at military para tiyakin ang kaligtasan ng Rio Games.

Subalit kumbinsido si Tamayo na magagawa ng mga ito ang kanilang trabaho.

“The dictates in France and in other countries underline the threat. Very extra-ordinary ang style like what happened in Nice,” wika ni Tamayo.

Patuloy pa rin ang pagdating ng mga atleta sa Athletes Village mula sa ibat ibang bansa sa kabila ng naturang mga panganib.

Makikita sila sa mga dining halls, entertainment centers, fitness center at activity center.

Samantala, patuloy sa kanilang paghahanda ang pito sa 12 Pinoy qualifiers para sa Rio Olympics.

“Our athletes are ready. There’s nothing more to do than maintain their form. They’ve trained long and hard for this. They’re ready,” sabi ni Romasanta.

Nag-eensayo si Ian La­riba ng table tennis sa trai­ning venue bago magtanghali, habang sina swimmers Jasmine Alkhaldi at Jessie Khing Lacuna ay nasa pool sa tanghali na oras din ng pagsasanay nina weighlif­ters Nestor Colonia at Hidilyn Diaz.

Sa umaga ay tumatakbo si long jumper Marestella Torres at nagpapawis sa fitness center kinagabihan, samantalang si taekwondo jin Elaine Alora ay nakipag-sparring kay coach Kitoy Cruz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with