^

PSN Palaro

Kapit sa liderato patitibayin pa ng Racal vs Tanduay

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patatatagin ng Racal ang kapit nito sa solong pamumuno sa pagsagupa sa mapanganib na Tanduay ngayong araw sa pagpapatuloy ng 2016 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Magpapang-abot ang Tile Masters at Rhum Masters sa alas-6 ng gabi habang nakatakda naman ang engkuwentro ng nagdedepensang Cafe France at AMA Online Education sa alas-4 ng hapon.

Umakyat ang Tile Masters sa tuktok ng stan­dings matapos gimbalin ang Aspirants’ Cup champion Phoenix kamakalawa sa bendisyon ng 90-88 panalo upang maitarak ang kanilang ikawalong pananaig sa 10 pagsalang.

Palalakasin din ng Racal ang tsansa nitong makapasok sa Top 2 na siyang mabibiyayaan ng twice-to-beat sa Final Four.

“Tanduay’s win over Cafe France put everyone on the same place, so e­verybody still has a chance to be 1 or 2. But if we win one of the next two games, I believe may chance pa rin naman kami sa top 2,” ani Racal coach Caloy Garcia.

Ngunit inaasahang daraan sa matinding pagsu­bok ang Tile Masters dahil nakasakay ang Tanduay sa apat na sunod na panalo.

Bukod pa rito ang pagkakadagdag ni dating University of Santo Tomas standout Kevin Ferrer sa lineup upang higit pang palakasin ang Tanduay.

“It gets tougher. Markado na rin nila kami with our new acquisition,“ wika ni Tanduay mentor Lawrence Chongson.

Nais din ng Rhum Mas­ters na makabawi sa kanilang tinamong 90-96 kabiguan sa Tile Masters sa kanilang unang pagtutuos noong Hunyo 23.

Sa kabilang banda, kung mananaig ang Cafe France sa AMA, awtomatikong makukumpleto ang Final Four cast.

Kasalukuyang may 3-5 baraha ang Titans kung saan kinakailangan nitong mawalis ang kanilang tatlong sunod na laro upang makahirit ng puwesto sa semis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with