^

PSN Palaro

Ika-7 dikit puntirya ng Red Lions sa Cardinals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikapitong sunod na panalo ang sasakmalin ng San Beda College sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Makakatipan ng Red Lions ang Mapua sa alas-4 habang aarangkada rin ang nagdedepensang Colegio de San Juan de Letran sa alas-2.

Tanging ang San Beda na lamang ang koponang walang talo hawak ang 6-0 rekord para sa solong liderato kasunod sa ikalawa ang Mapua na may 5-1 baraha. Nasa three-way tie naman ang Letran, University of Perpetual Help System Dalta at Arellano University na may magkakatulad na 4-2 marka.

Parehong galing sa panalo ang San Beda at Mapua kung saan buma­ngon ang Red Lions sa 22 puntos na pagkakalugmok bago itakas ang 101-86 come-from-behind win laban sa Arellano habang ang Cardinals ay dumaan sa mas magaan na pro­seso matapos ilampaso ang San Sebastian, 88-75.

“It’s going to be tough playing a team like Mapua,” wika ni San Beda coach Jamike Jarin.

Bumandera si Davon Potts sa kanilang huling mga panalo nang magtala ito ng 31 puntos subalit malakas na puwersa rin ang ibinibigay ni Came­roonian Donald Tankoua na nagtala ng 28 points at 14 rebounds.

Inaasahang itatapat ng San Beda si Tankoua kay reigning MVP Nigerian Allwell Oraeme na siyang mangunguna sa hanay ng Cardinals.

Si Oraeme ay may a­verage na 17 points, 19.2 rebounds at 3.2 blocks kada laro.

Sa kabilang banda, nais ng Letran na makabangon mula sa kanilang masamang 55-61 pagyuko sa Perpetual Help noong Biyernes habang ang Jose Rizal ay hangad na masundan ang kanilang 60-59 panalo kontra EAC noong nakaraang linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with