^

PSN Palaro

Tinakasan ang San Miguel: Mahindra sinolo ang liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala nang mahihiling pa si rookie coach Chris Gavina para sa kanyang mga Enforcers.

Bagama’t naisuko ang ipinosteng 12-point lead sa fourth quarter ay hindi nawalan ng kumpiyansa ang Mahindra para sorpresahin ang nagdedepensang San Miguel Beermen, 105-103 at solohin ang pamumuno sa 2016 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang 3-0 record ang franchise best start ng Enforcers na ipinatikim sa Beermen ang una nitong kabiguan matapos ang 2-0 panimula.

“Our guys showed our fortitude just like our other games. We treated it as a playoff game,” sabi ni Gavina, nakakolekta kay import James White ng 34 points at 11 rebounds.

Ang nasabing panalo ay sinaksihan ni Sen. Manny Pacquiao, ang playing coach ng Mahindra, na tinapos ang laro kasama ang asawang si Jinkee.

Naging mahigpitan ang laro kung saan nagtabla ang Enforcers at Beermen sa halftime 48-48, hanggang maitayo ng una ang 12-point lead, 68-56, mula sa jumper ni Paolo Taha sa 6:10 minuto ng third period.

Naulit ito sa 89-77 sa 8:34 ng fourth quarter ga­ling sa basket ng 22-anyos na si White, nasa kanyang unang international stint.

Bumandera naman sina Best Import Arizona Reid, Alex Cabagnot, back-to-back MVP June Mar Fajardo at Chris Ross para ibigay sa San Miguel ang 98-97 abante sa 3:50 minuto ng laro.

Ang split ni Taha at dalawang free throws ni Chito Jaime sa huling 43.1 segundo ang muling nagtaas sa Enforcers sa 105-102 kasunod ang split ni Fajardo sa nalalabing 36.3 segundo para sa 103-105 agwat ng Beermen.

Nagkaroon ang San Miguel ng tsansang ma­agaw ang panalo nang maagaw ni Cabagnot ang pasa ni LA Revilla sa huling 20 segundo.

Ngunit sa halip na tumawag ng timeout ay mas pinili ni Reid, umiskor ng 43 points, na ubusin ang oras at tumira sa three-point line na tumalbog sa ring.

Mahindra 105 - White 34, Canaleta 17, Taha 12, Agovida 10, Ramos 9, Revilla 8, Pinto 6, Yee 3, Guinto 2, Jaime 2, Zandi 2, Ballesteros 0, Digregorio 0, Aguilar 0.

San Miguel 103 - Reid 43, Cabagnot 15, Fajardo 13, Araña 11, Lassiter 10, Reyes 4, Tubid 3, Mabulac 2, Ross 2, David 0, De Ocampo 0, Heruela 0.

Quarterscores: 28-27; 48-48; 81-74; 105-103.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with