^

PSN Palaro

Paniamogan itinakas ang Tile Masters, liderato nasolo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginulantang ng Racal ang Aspirants’ Cup champion Phoenix, 90-88, upang masolo ang liderato kahapon sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Naisalpak ni Philip Paniamogan ang game-winning triple sa harap ni Roger Pogoy sa huling tatlong segundo ng bakbakan upang tulungan ang Tile Masters na makuha ang gitgitang panalo.

Nakakuha ng kabuuang 13 puntos si Paniamogan kabilang ang dalawang tres.

“I’m happy with how we finished the game,” wika ni Tile masters coach Caloy Garcia.

Nanguna si Dexter Maiquez para sa Tile Masters bitbit ang 19 markers at limang rebounds habang nagbuhos naman si Billy Robles ng 14 points, apat na boards  at tatlong assists.

Ito ang ikawalong panalo ng Racal para okupahan ang tuktok ng standings hawak ang 8-2 baraha habang nalaglag sa ikatlo ang Phoenix na nahulog sa 7-3 rekord kasalo ang Tanduay.

Baon ang Tile Masters ng walong puntos sa hu­ling limang minuto ng laro, 73-81, nang baliktarin nito ang kapalaran tangan ang 87-85 kalamangan mula sa umaatikabong tres ni Joseph Terso, may 1:02 pang natitira.

Naipasok naman ni Ed Daquioag ang sariling tres para muling i-angat ang Phoenix, 88-87 sa huling 11.9 segundo.

Subalit umeksena si Paniamogan nang ibato nito ang mainit na three-pointer na siyang naging daan upang makuha ng Tile Masters ang panalo.

Ito ang ikalawang panalo ng Racal sa Phoenix matapos kubrahin ang 93-78 desisyon sa first round ng eliminasyon noong Hun­yo 30.

Tumapos si Pogoy bitbit ang 22 points at 10 rebounds  para sa Accelerators.

Racal 90 - Maiquez 19, Robles 14, Paniamogan 13, Terso 9, Grey 7, Ortuoste 7, Gabawan 6, Corpuz 4, Javier 4, Banal 3, Celiz 2, Neypes 2, Ambulodto 0, Lozada 0.

Phoenix 88 - Pogoy 22, Belo 20, Tolomia 18, Daquioag 10, Mendoza 9, Tamsi 4, Escoro 3, Colina 2, Andrada 0, Batino 0, Iñigo 0, Jamito 0.

Quarters: 26-26, 44-43, 65-65, 90-88.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with