^

PSN Palaro

Pagbabalik sa boxing ni Pacquiao ‘di na sorpresa kay Roach

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos dominahin ni Manny Pacquiao si Timothy Bradley Jr. sa kanilang ikatlong paghaharap noong Abril 9 ay hindi naitago ng Filipino boxing superstar ang kanyang kasiyahan.

Kaya naman ito ang pinanghawakan ni chief trainer Freddie Roach para sa umiinit na usapan sa pagbabalik ni Pacquiao sa boxing ring.

“Manny told me after last fight he felt really good. He looked really good in the fight and he said ‘Freddie, I’m going to fight a couple of more times.’ That was before he left for the Philippines,” sabi ni Roach kay Pacquiao. “So I already knew, this isn’t a surprise to me.”

Nagretiro si Pacquiao noong Abril 9 kasunod ang kanyang panalo para sa isang Senatorial seat sa nakaraang National Elections noong Mayo 9.

Ilang beses nang inihayag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pagbabalik sa aksyon ng dating Filipino world eight-division champion.

Ngunit palagi itong pinabubulaanan ni Pacquiao.

Kamakailan ay sinabi ni Senate President Franklin Drilon na humingi si Pacquiao ng kanyang payo tungkol sa posibleng pagboboksing.

Sinabi ni Drilon na susuportahan niya ang desisyon ni Pacquiao na muling lumaban basta hindi ito makakaapekto sa kanyang tungkulin bilang Senador.

Inireserba na ni Arum ang petsang Nobyembre 5 at ang Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada para sa comeback fight ni Pacquiao.

“This is a little bit sooner than I thought but the thing is, we like that date,” sabi ni Roach.

Ang pangalan ni unified WBC at WBO super light welterweight titlist Terence Crawford, tinalo si Viktor Postol noong Linggo, ang lumulutang na maaaring makalaban ng 37-anyos na si Pacquiao.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with