Crawford sa 140 pounds gustong labanan si Pacquiao
MANILA, Philippines - Tila humihiling si world light welterweight unified champion Terence Crawford ng bagay na kanyang ikapapahamak.
Matapos talunin si Viktor Postol ng Ukraine sa kanilang unification fight ay tinanong si Crawford kung gusto niyang labanan si Sen. Manny Pacquiao.
Sinabi ng 28-anyos na si Crawford na payag siyang harapin ang 37-anyos na si Pacquiao sa light welterweight division (140 pounds) na kanyang kasalukuyang dinodomina.
Naniniwala si Freddie Roach, ang chief trainer ni Pacquiao, na sa nasabing dibisyon naipapakita ng dating Filipino world eight-division champion ang kanyang bilis at lakas.
“I think 140 pounds is where we would see the best Pacquiao,” sabi ni Roach sa panayam ng BoxingScene.com. “At 147 pounds he’s not bad but I think his ideal weight is 140 pounds, where the speed and power will be combined better.”
Nagretiro si Pacquiao noong Abril 9 matapos talunin si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang ikatlong paghaharap para sa WBO welterweight belt.
Dinomina naman ni Crawford (29-0-0, 20 KOs) si Viktor Postol (28-1-0, 12 KOs) para idagdag sa kanyang suot na WBO light welterweight title ang WBC crown ng Ukranian fighter noong Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Nauna nang sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang mananalo sa naturang laban ang ipapares niya kay Pacquiao (58-6-2, 38 KOs) para sa comeback fight nito sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
“If (Top Rank chief executive) Bob Arum wants that fight, and my coaches want that fight, that’s something we’ll talk about later,” sabi ni Crawford.
“I let my coaches handle that. I am a fighter and I will fight anybody. I’m happy, and I’m about to go on vacation,” dagdag pa nito.
Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Pacquiao kung muling babalik sa boxing ring, ngunit humingi na ng payo kay Senate Ptesident Franklin Drilon tungkol sa kanyang plano.
- Latest