^

PSN Palaro

Titans nagpalakas ng tsansa sa Final Four

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinabon nang husto ng AMA Online Education ang Blustar Detergent, 113-84, upang manatiling buhay ang pag-asa sa Final Four ng 2016 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pa­sig City.

Nailista ng Titans ang ikat­long panalo sa limang la­ro subalit daraan sa matin­ding pagsubok ang tropa bago makahirit ng puwesto sa semis dahil kinakaila­ngan nilang maipanalo ang huling apat na laro.

“Record sa amin ito. Nga­yon pa lang kami naka­panalo ng back-to-back games at nagkaroon pa ka­mi ng chance sa semifinals,” sabi ni AMA Online coach Mark Herrera.

Nanguna para sa Titans si James Martinez matapos magtala ng 32 points tampok ang 5-of-13 shooting sa three-point area.

Nagdagdag naman si Ra­shawn McCarthy ng 24 mar­kers, 7 rebounds at 5 assists, habang nagtala si Jay-R Taganas na 12 points at 16 rebounds kasama ang 5 assists.

Nagparamdam din si Ryan Arambulo na umiskor ng 16 puntos para sa Titans.

Nagpasabog ang AMA ng 13-0 run sa second quarter upang itarak ang 21 puntos na kalamangan, 48-27, la­ban sa Dragons.

Umabot pa sa 30 puntos ang abante ng AMA, 109-79, sa huling bahagi ng fourth quarter.

Sumandal ang Blustar kay Chun Hong Ting na nag­sumite ng 21 points ha­bang humugot si da­ting Ateneo standout Juami Tiongson ng 15 markers.

Naglista si Kuek Tian Yuan ng 14 points at 20 re­bounds subalit hindi ito na­pakina­bangan ng Dragons na lumasap ng ika­-limang su­nod na kabiguan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with