^

PSN Palaro

Lariba, 5 pa dumating na sa Rio para sa olympics

Pilipino Star Ngayon

RIO DE JANEIRO – Pagod at latang-lata mula sa napakahabang biyahe, dumating ang maliit na grupo ng Philippine delegation dito para sa 2016 Olympic Games na nakatakda sa Agosto 5-21.

Kasama sa grupo ang anim sa 12 atletang maglalaro sa Rio Olympics.

Pinamunuan ni flag-bearer Ian Lariba ng table tennis ang maliit na grupo ng mga Pinoy athletes matapos ang eight-hour flight galing sa Manila patungo sa Dubai, isang three-hour stopover at 14-hour trip papuntang Rio.

Ang iba pang miyembro ng grupo ay sina Elaine Alo­ra ng taekwondo, Jessie Khing Lacuna ng swimming, Ma­restella Torres-Sunang ng track and field at sina Hidilyn Diaz at Nestor Colonia ng weightlifting.

Maglalaro sina Diaz at Torres-Sunang para sa kanilang pangatlong sunod na Olympics, habang ito naman ang ikalawa ni Lacuna.

Inaasahang kaagad magsisimula ng kanilang ensayo ang mga Filipino athletes.

“We will train tomorrow,” sabi ni Alora.

“Training bukas,” wika naman ni Diaz, sasabak sa aksyon sa Agosto 7 kasabay si Colonia.

Ang iba pang Filipino qualifiers na darating sa Rio sa mga susunod na araw ay sina boxers Rogen Ladon at Charly Suarez, nagsasanay sa United States; runner Eric Cray, nasa Houston; swimmer Jasmine Alkhaldi, magmumula sa Hawaii; marathoner Mary Joy Tabal, kasalukuyang nasa Japan; at golfer Miguel Tabuena, naglalaro pa sa King’s Cup sa Thailand.

Isang araw matapos ang opening ceremony sa Agosto 5 ay kaagad sasabak sa aksyon sina Lariba, Ladon, Suarez at Lacuna.

Ang unang grupo ng mga atleta ay sinamahan nina Chef-de-mission Jose Romasanta at Philippine Olympic Committee official Col. Jeff Tamayo, team physician Dr. Ferdinand Brawner at dating SEA Games taekwondo king Kitoy Cruz.

Nakasama ng mga Pinoy ang mga delegado ng Malaysia, Hong Kong at Uganda sa isang one-hour bus ride papunta sa Athletes Village, isang koleksyon ng mga high-rise condominiums na ang mga units ay kasya ang pito hanggang walong tao.

Nakita ang mababang kalidad ng pagkakagawa sa Athletes Village kung saan may mga tumutulong tubo ng tubig, mahinang tubig at maliit na kama.

Ang delegasyon ay nasa 11th floor ng Building 2.

Ayon kay Romasanta, ang naturang mga isyu ay inaasahang tatalakayin sa DRM (delegations registration meeting) at sa hanay ng mga CDMs (chef-de-mission) ng 206 participating countries.

“The organizers will hear it from some delegates,” wika ni Romasanta.

Sa labas ng airport ay mahigpit na ang seguridad sa mga pangunahing kalsada at makikita ang mga military personnel na nakasuot ng fatigue uniforms at kargado ng matatas na kalibre ng baril.

Nagkalat din ang mga pulis para sa Aug. 5 opening ng Summer Games na nahaharap sa problema sa seguridad at kinatatakutang Zika virus.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with