^

PSN Palaro

Comeback fight

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Kasado na ang comeback fight ni Manny Pacquiao sa Nov. 5 sa Las Vegas.

Kalaban na lang ang wala.

Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng tao ang pagbabalik ni Pacquiao sa loob ng ring eh kaka-retire pa lang niya nung April.

Para tuloy lumalabas na wala talagang balak mag-retire.

Baka pinaka-maikling retirement ito sa larangan ng boxing o sports.

Kaya lang, nilinaw naman niya noon na hindi sarado ang pinto. Marami rin naman ang mga superstars na matapos mag-retire ay bumabalik.

Si Michael Jordan na lang. Tapos si Floyd Mayweather Jr.

Mahirap talikuran ang boksing. Yung iba nga dyan, laos na eh bumabalik pa. Matanda na eh gusto pa lumaban. Nasa dugo talaga.

Si Pacquiao naman, talagang may ibubuga pa.

May asim pa. Ilang sigang pa.

Iba ang kaso ni Pacquiao dahil sa kanyang pagbabalik ay isa na siyang senador.

Saan ka nakakita ng isang senador na boksingero.

Pano na siya ngayon ipapakilala ni Michael Buffer, ang sikat na ring announcer.

“Mr. Senator! Let’s get ready to rumble!”

No denial si Pacquiao sa binigay na date ni Bob Arum. Sa Nov. 5 ang laban sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.

Kung walang denial, ibig sabihin ay kasado na.

Pipili na lang sila ng kalaban. Tatlo ang kandidato, sabi ni Uncle Bob.

Tinawagan natin siya sa telepono at binigay niya ang mga pangalan nina Jessie Vargas, Terence Crawford at Viktor Postol.

Si Vargas ang WBO champion sa 147. Si Crawford at Postol naman ay ang mga matitinik sa 140 pounds.

Kaya lamang ng konti si Vargas sa pilian.

Sa 147, walang diet-diet si Pacquiao at kuha ang timbang.

No problem.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with