^

PSN Palaro

Alban may pinatunayan sa Lyceum

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinatunayan ni rookie Ian Alban ng Lyceum na may ibubuga ito sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament matapos tulungan ang kanyang tropa na makuha ang dalawang sunod na panalo.

Nagningning si Alban sa kanilang pananaig kontra Jose Rizal University at College of St. Benilde dahilan upang masungkit nito ang Accel Quantum Plus-3XVI NCAA Press Corps Player of the Week award.

Umiskor si Alban ng 19 puntos kabilang ang 10 sa huling kanto upang bitbitin ang Pirates sa 69-66 upset win laban sa Heavy Bom­bers kasunod ang pagtarak ng 21 puntos sa panalo ng Lyceum kontra naman sa Blazers.

Dahil dito, nakabalik sa porma ang Pirates tangan ang 2-3 marka.

Ngunit hindi pa kuntento si Alban dahil malayo pa ang kanilang tatahakin bago marating ang inaasam na Final Four spot.

Kaya naman inaasahang pupukpok pa ito ng husto sa mga susunod na laro upang higit pang paa­ngatin ang Pirates.

“Last game nung JRU, tinext kaagad ako ni coach Topex na huwag ako makuntento sa isang magandang laro. Every practice after nun, mas hinihigitan ko pa yung practice ko para magtuluytuloy yung laro ko,” anang 21-anyos na si Alban.

Naungusan ni Alban sa naturang parangal si Davon Potts ng San Beda College na nagtala ng 31 puntos sa kanilang 101-86 panalo kontra Arellano noong Biyernes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with