^

PSN Palaro

Bakers babawian ang Rhum Masters

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Puntirya ng nangu­ngunang Cafe France na makaresbak sa Tanduay sa kanilang muling paghaharap sa 2016 PBA D-League Foundation Cup elimination second round ngayong araw sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang ikalawang engkuwentro ng Bakers at Rhum Masters sa alas-6 ng gabi.

Bukod tanging ang Tanduay ang nakapagbigay ng kabiguan sa Café France kung saan pinangunahan ni Gelo Alolino ang 84-80 panalo ng Rhum Masters sa first round ng eliminasyon noong Hunyo 16.

Subalit mataas ang lebel ng laro ng Bakers sa pagkakataong ito matapos iselyo ang apat na sunod na panalo kabilang ang 96-93 overtime win laban sa Phoenix noong Huwebes.

Kasalukuyang hawak ng Bakers ang solong pamumuno tangan ang 7-1 rekord kasunod ang Racal at Phoenix na magkasos­yo sa ikalawa bitbit ang parehong 7-2 marka. Ang Tanduay naman ay hindi nalalayo sa ikaapat tangan ang 6-3 baraha.

Madaragdagan ang ba­ngis ng Tanduay sa pagpasok ni University of Santo Tomas standout Kevin Ferrer sa koponan na inaasahang tutulong upang mawalis ang hu­ling tatlong laro ng Rhum Masters.

Sa unang laro, pala­lakasin ng AMA Online E­ducation ang tsansa nitong makahirit ng puwesto sa Final Four sa pagsagupa sa Blustar Detergent sa alas-4.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with