^

PSN Palaro

Crawford may pag-asa na makalaban si Pacquiao matapos manalo kay Postol

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ganap na dinomina ni American Terence Crawford si Viktor Postol ng Ukraine para kunin ang unanimous decision victory sa kanilang unification fight sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Sa kalagitnaan ng ka­nilang 12-round bout ay nakangiti at nagsasayaw na lamang si Crawford na halos hindi matamaan ni Postol.

“I just stuck to what I knew,” sabi ng 28-anyos na si Crawford (29-0-0, 20 KOs) matapos talunin si Postol (28-1-0, 12 KOs) para idagdag sa kanyang suot na WBO light welterweight crown ang WBC belt ng huli.

Kumonekta si Crawford ng kabuuang 144 punches kumpara sa 83 ni Postol.

Aminado si Freddie Roach, ang trainer ni Pos­tol, na masyadong mabilis si Crawford para sa kanyang Ukraine fighter.

“Crawford was just too fast, he surprised me with his talent,” wika ni Roach sa 28-anyos na si Crawford na posibleng itapat ni Bob Arum ng Top Rank Promotions kay Manny Pacquiao para sa comeback fight ng Senador sa Nobyembre 5.

Bago ang naturang unification fight ay sinabi ni Arum na ang mananalo sa pagitan nina Crawford at Postol ang siya niyang isasagupa sa dating Filipino world eight-division champion.

Payag naman si Crawford na labanan si Pacquiao, ngunit kung ito ay gagawin sa 140 pound limit.

“I’ll let my coaches handle that. I am a fighter and I’ll fight anybody,” sabi ni Crawford sa posibilidad na makasagupa niya ang 37-anyos na si Pacquiao (58-6-2, 38 KOs) na nagretiro noong Abril 9 matapos talunin si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang ‘trilogy’.

Nauna nang itinakda ni Arum ang comeback fight ni Pacquiao sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni Pacquiao na kung muli siyang lalaban ay sisiguruhin niyang nasa bakasyon ang Senado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with