^

PSN Palaro

Standard Insurance nagpalakas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinamantala ng Standard Insurance-Navy ang masamang laro ng Amy’s Kitchen upang hatakin ang magaan na 25-17, 25-9, 25-14 panalo kahapon sa 2016 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Confe­rence women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Bumida si Paulina Soriano nang humataw ito ng 11 hits at dalawang aces katuwang sina Florence Madulid at Lilet Mabbayad na may pinagsamang 16 puntos para makuha ng Standard Insurance-Navy ang unang panalo sa classification round.

Puwestuhan mula ikalima hanggang ikawalo na lamang ang naghihintay sa apat na koponang nasa Group B na bukod sa Standard Insurance-Navy at Amy’s, kabilang din dito ang Generika at Cignal.

“Motivated ang lahat ng players. Wala na kaming chance na makuha ang title kaya gusto naming makuha ang fifth place dito sa classification round. Magandang achievement na rin ito para sa amin dahil first time na­ming sumali sa PSL,” ani Standard Insurance-Navy coach Nene Chavez na dating miyembro ng national team na nakasungkit ng gintong medalya sa 1993 SEA Games sa Singapore.

Nanguna para sa Amy’s si  Lourdes Clemente na gumawa ng siyam na puntos habang nagdagdag lamang ng anim na puntos si team captain Cindy Imbo.

Wala pa ring panalo ang Amy’s sa liga ngunit may tsansa pa itong makapagsalba ng panalo sa pagharap kontra Cignal sa Huwebes na gaganapin sa De La Salle Lipa Sentrum sa Batangas.

Sa ikalawang laro, nakabangon ang Generika sa masamang panimula upang kubrahin ang 20-25, 25-23, 25-23, 25-22 come-from-behind win laban sa Cignal.

Humakot si opposite hitter Angelica Macabalitao ng siyam na attacks, tatlong blocks at dalawang aces habang bumira ng 13 puntos si middle blocker Gen Casugod mula sa limang blocks at tig-apat na attacks at aces.

Ang Top 4 teams na Foton, RC Cola-Army, F2 Logistics at reigning champion Petron ang siya namang naghaharap sa Group A kung saan maglalaban-laban ito upang madetermina ang puwestuhan sa crossover semifinals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with